Kapag Ginamit ng Diyos ang Ating mga Kwento para Abutin ang Iba

Si Lis ay isang masigasig na Brazilian, visual artist, at ina. Matapos mawala ang sarili niyang ina, kinausap namin siya tungkol sa kahalagahan ng empatiya at kung paano maaring magdala ng mabubuting bagay ang Diyos mula sa malulungkot na kalagayan...

“Nawala ang Nanay ko dahil sa kanser"

Hindi nagtagal pagkatapos ay napasok ako sa isang pag-uusap sa isang babae na mayroon ding kanser. Ako ay nagluluksa pa sa pagkamatay ng Nanay ko, ngunit ayoko na hayaang hadlangan ng sakit na iyon ang pag-uudyok ng Banal na Espiritu na ipanalangin siya. Ayoko ring pabayaan ang babaeng iyon na mapalampas ang lahat ng magagawa ng Diyos sa kanyang buhay.

Ang dilemang iyon sa sandaling iyon ay kung paano maging mapagmalasakit sa kanyang pinagdaraanan at hindi maging manhid dahil gusto kong pag-usapan si Jesus. Kaya nagtanong ako ng isang tanong na bukas-ugat upang mawari ang kanyang tugon: ‘Naniniwala ka ba sa Diyos?’ Ito ay isang magandang tanong dahil binibigyan nito siya ng kapangyarihan na idirekta ang usapan at nagbibigay sa akin ng pagkakataon na makinig at marinig ang mga bagay mula sa kanyang perspektibo.

Binuksan ng tanong ang isang maganda at makabuluhang pag-uusap. Nagkaroon ako ng pagkakataon na ibahagi ang panghawak na pag-asa na ibinigay ni Jesus sa aking Ina at pamilya sa kanyang huling mga araw, at sa huli, nagawa ko ring ipanalangin siya!

Sa Roma 8:28 sinasabi,

‘Alam natin na sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya.’

Ang karanasang ito ay nagpapaalala sa akin kung gaano kahalaga na balikan ang mga nakaraang karanasan, masama man o mabuti, dahil ang Diyos ay maaaring gamitin ang pareho.

Kapag naaalala mo ang ginawa ng Diyos, ikaw ay handang magbahagi kapag dumating ang pagkakataon.

0 Comments

Active Here: 0
Logged in as Name
Edit ProfileLogout

Sign in or create an account to join the conversation

Be the first to leave a comment.
Someone is typing...
No Name
Set
Moderator
4 years ago
This is the actual comment. It's can be long or short. And must contain only text information.
(Edited)
No Name
Set
Moderator
2 years ago
This is the actual comment. It's can be long or short. And must contain only text information.
(Edited)

New Reply

Thank you! Your submission has been received!
Oops! Something went wrong while submitting the form.
Load More Comments
Loading

We value your privacy

By clicking “Accept”, you agree to the storing of cookies on your device to enhance site navigation, analyse site usage, and assist in our marketing efforts. View our Privacy Policy for more information.