Paano mo naririnig ang tinig ng Banal na Espiritu?

Naririnig mo ba ang tinig ng Banal na Espiritu? Hindi lahat ng Kristiyano ay may kompiyansang naririnig nila ito. Maraming pamamaraan kung paano tinutulungan at ginagabayan ng Banal na Espiritu ang mga Kristiyano, at ang makadama o makarinig ng malinaw na tinig ay iisa lamang. Kung nais mong ibahagi si Jesus sa iyong mga kaibigan ngunit ang pakikinig sa Banal na Espiritu na nagsasalita sa iyo ay hindi mo karanasan, nandito ka sa tamang lugar.

Ang unang dapat kilalanin ay, kung sa tingin mo hindi mo naririnig ang Banal na Espiritu, hindi ito nangangahulugang may mali. Pinipili ng Diyos kung paano Niya nais makipag-ugnayan sa iyo at malaya Siyang makipag-ugnayan sa paraan na gusto Niya. Hindi pinagkakaitan ng Diyos ang Kanyang tinig hangga't hindi ka handang marinig Siya. Huwag mahulog sa bitag na kailangan mong magpamalas para sa Diyos upang pagpalain ka Niya sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa iyo.

Kung wala kang malinaw na pakiramdam na naririnig ang Kanyang tinig, simulan mo sa mga malinaw na bagay tungkol sa Banal na Espiritu. Kung nais mong palaguin ang iyong tiwala sa Banal na Espiritu, magsimula sa mga itinuturo ng Bibliya na malinaw. Kapag lumago ka sa kompiyansa sa mga pangako ng Bibliya patungkol sa Banal na Espiritu, maaari kang lumago sa pananampalataya sa mga lugar na hindi masyadong malinaw.

Narito ang 5 pundasyon at malinaw na katotohanan tungkol sa Banal na Espiritu ayon sa Bibliya:

1. Kung ikaw ay isang Kristiyano, kasama mo ang Banal na Espiritu.


At sinabi ni Pedro sa kanila,

“Magsisi at magpabinyag ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo para sa pagpapatawad ng inyong mga kasalanan, at matatanggap ninyo ang regalo ng Banal na Espiritu.

Mga Gawa 2:38

Itinuturo ng Bibliya na ang bawat Kristiyano, kapag nagsisi at nanampalataya kay Jesus, ay tumatanggap ng regalo ng Banal na Espiritu. Kung mahal mo si Jesus at nailigtas ka Niya, makakatiyak ka na ang Banal na Espiritu ay nananahan sa iyo.

2. Ang Banal na Espiritu ay mabuti, hindi mo kailangan Siyang katakutan
"Kung kayo nga na masasama, marunong magbigay ng mabuting regalo sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang Ama sa langit na magbibigay ng Banal na Espiritu sa mga humihiling sa kanya!”

Lucas 11:13

Maraming misteryo ukol sa kung ano ang Banal na Espiritu at kung ano ang hindi. Gayunpaman, malinaw sa Bibliya na ang Banal na Espiritu ay mabuti at wala kang dahilan upang matakot sa totoo Niyang kalikasan. Hilingin sa Diyos na tulungan kang malaman pa ang higit tungkol sa Kanya.

3. Ang Banal na Espiritu ay kaloob na ibinigay upang tulungan ka

Gayon din naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Sapagkat hindi natin alam kung ano ang dapat ipanalangin, ngunit ang Espiritu Mismo ang namamagitan para sa atin na may mga daing na hindi kayang ilarawan ng mga salita.

Roma 8:26-27

Maraming paraan kung paano ka tutulungan ng Banal na Espiritu. Ibibigay Niya ang kaginhawahan, kaloob sa iyo ang karunungan, kumikilos sa iyong mga kalagayan, pagdalang ng kagalingan, at iba pa. Kapag lalo kang may kamalayan sa Kanyang presensya, lalo mong makikita ang Kanyang mga gawaing pagtulong sa iyong buhay.

4. Pinapaalala sa'yo ng Banal na Espiritu ang mga salita ng Diyos

Ngunit ang Taga-tulong, ang Banal na Espiritu, na ipadadala ng Ama sa pangalan ko, Siya ang magtuturo sa iyo ng lahat ng bagay at magpapaalala sa iyo ng lahat ng sinabi ko sa iyo.

Juan 14:26

May ilang pagkakataon sa Bibliya na binabanggit na ang Banal na Espiritu ay gagawa ng makapangyarihan upang ipaalala ang mga bagay sa iyong kaisipan sa tamang oras. Maaaring ito ay mga talata mula sa Bibliya o kaya’y mga tamang salita na sasabihin. Maging mapanalanginin kapag ikaw ay nasa isang usapan tungkol kay Jesus at isaalang-alang at sabihin ang mga bagay na pumapasok sa iyong isipan.

5. Ang pagiging puspos ng Banal na Espiritu ay para sa lahat ng Kristiyano

At huwag kang magpakalasing sa alak, sapagkat iyon ay kaguluhan, kundi mapuspos ka ng Espiritu,

Efeso 5:18

Ang pagiging puspos ng Espiritu ay hindi lamang tungkol sa mga bagay gaya ng pagsasalita sa ibang mga wika at propesiya, ito’y patungkol sa Kanyang araw-araw na gabay sa iyong buhay. Ito ay isang pang-araw-araw na presensiya na ibinibigay Niya sa iyo kapag iyong hinahanap. Huwag hayaang ang iyong takot sa hindi alam ang pumigil sa iyo sa pagtanggap ng pagpapala ng Kanyang presensya. Hilingin mo ito at hanapin araw-araw.

Kung hindi mo karanasan ang makarinig ng tinig ng Banal na Espiritu, simulan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga malinaw na sinasaad ng Bibliya. Isapuso ang mga talatang ito sa Bibliya, hanapin ang Banal na Espiritu bawat araw, at umasa sa Kanya habang kausap mo ang iyong mga kaibigan tungkol kay Jesus.

0 Comments

Active Here: 0
Logged in as Name
Edit ProfileLogout

Sign in or create an account to join the conversation

Be the first to leave a comment.
Someone is typing...
No Name
Set
Moderator
4 years ago
This is the actual comment. It's can be long or short. And must contain only text information.
(Edited)
No Name
Set
Moderator
2 years ago
This is the actual comment. It's can be long or short. And must contain only text information.
(Edited)

New Reply

Thank you! Your submission has been received!
Oops! Something went wrong while submitting the form.
Load More Comments
Loading

We value your privacy

By clicking “Accept”, you agree to the storing of cookies on your device to enhance site navigation, analyse site usage, and assist in our marketing efforts. View our Privacy Policy for more information.