Gulong Pananampalataya: Ang Pagbabahagi kay Jesus Kahit Hindi Ka Perpekto
Naimbitahan mo na bang pumunta sa iyong bahay ang mga kaibigan mo at kinailangang magmadali para maglinis bago sila dumating?
Inimbitahan mo sila, ngunit nakalimutan mo na ang iyong bahay o kuwarto ay sobrang gulo. Parang, ‘maruruming plato sa sahig’ na klase ng gulo. Kaya nagmamadali kang itago ang damit at mga plato sa pinakamalapit na lalagyan, punasan ng basang tela ang mesa, at isabog ang isang lata ng pampabango sa hangin para matakpan ang amoy. Madalas, ginagawa rin natin ang parehong bagay pagdating sa pagbabahagi tungkol kay Jesus.
Ang bawat Kristiyano ay nagkakasala, kasama ka. At ang mga nararamdamang pagkakasala at kahihiyan ay maaaring maging hadlang sa pag-uusap tungkol kay Jesus kapag may pagkakataon. “Paano ko maibabahagi ang pagmamahal ko kay Jesus kung kakatapos ko lang Siyang mabigo?” Kung nakaka-relate ka rito, hindi ka nag-iisa. Baka maramdaman mong kailangan mong magsumikap pa at bumawi sa pamamagitan ng paggawa ng maraming mabubuting bagay. Itago ang lahat ng iyong pagkukulang at itago ang amoy ng iyong mga pagkakamali. Ngunit hindi iyan ang gusto ni Jesus na gawin mo.
Mahalaga na bigyang pansin ang pagkakasala na nararamdaman mo pagkatapos mong magkasala, ngunit kung paano mo haharapin ang pagkakasanla na iyon ay mahalaga. Ang pilit na pag-aayos ng sarili ay pride sa ibang anyo. Sa halip, hinihikayat tayo ng Bibliya na siguradong dalhin ang ating kasalanan kay Jesus, na mabilis magpatawad. Wala kang magagawa upang maging mas pinatawad kaysa sa kung ano ka na ngayon. Sinasabi ng Bibliya na wala nang pagkondena para sa iyo. Ang iyong pagkakakilanlan ay nailigtas, napatawad, at matuwid na. Perpekto sa paningin ng Diyos.
Huwag subukang ayusin ang sarili ngunit pumunta sa nag-iisa na makakagawa, Jesus.
Kausapin Siya, ipagtapat ang iyong mga kasalanan, at humingi ng Kanyang kapatawaran. Magagawa mo ito na alam mong patatawarin ka Niya dahil nangako siya na gagawin ito. Kapag ipinagtapat mo ang iyong mga kasalanan, aalisin ng Espiritu ang iyong mga pakiramdam ng pagkakasala at kahihiyan at papalitan ito ng kapayapaan at pagtanggap.
Habang ginagawa mo ito, unawain ang kabuuan ng biyaya ng Diyos sa iyo at piliin na mamuhay mula sa lugar na iyon. Tinanggap mo ang biyaya sa ibabaw ng biyaya, sapat ang Kanyang biyaya para sa iyo, at ikaw ay isinilang bilang anak ng Diyos. Ang lahat ng ito ay totoo tungkol sa iyo anuman ang iyong mga gawa. Pagmamataas ang subukang idagdag ang iyong sariling mabuting gawa sa ibabaw ng pagpapatawad ng Diyos para mas mapahusay ang iyong sarili sa harap ng Diyos.
Ang katotohanan ng ebanghelyo ay naligtas ka habang ikaw ay makasalanan pa.
Ito ay makapangyarihang katotohanan. Bakit? Dahil kailangan din ng iyong kaibigan na hindi pa nakikilala si Jesus ang parehong kapatawaran. Anong mas mabuting paraan upang ibahagi si Jesus kaysa maging tapat tungkol sa iyong sariling mga kahinaan at kung paano ka makalapit kay Jesus araw-araw at makatakas sa pagkakasala.
Maglaan ng oras upang pag-isipan ang pag-ibig at biyaya ni Jesus sa iyo. I-confess mo ang iyong mga kasalanan at makakatagpo ka ng kapatawaran. At sa susunod na pagkakataon na mayroon ka, huwag itago ang iyong mga kahinaan ngunit suntukin si Satanas sa mukha at gamitin ang mga ito para ibahagi ang katotohanan at biyaya ni Jesus.
Mga Sanggunian
Roma 8:1 Wala nang pagkondena para sa iyo.
Juan 1:16 Tinanggap mo ang biyaya sa ibabaw ng biyaya.
2 Corinto 12:9 Sapat na sa iyo ang Kanyang biyaya.
Roma 8:15-16 Ikaw ay isinilang bilang anak ng Diyos.
Roma 5:8 Ang katotohanan ng ebanghelyo ay naligtas ka habang ikaw ay makasalanan pa.
0 Comments
Sign in or create an account to join the conversation