Isang Simpleng Pagbabago Maaaring Makakatulong sa Iyong Ibahagi ang Ebanghelyo
Si Brian ay isang ordinaryong tao na nagmamahal kay Jesus at may pusong ibahagi siya sa mga tao na kanyang nakakasalamuha araw-araw. Isang pagkakataong pagkikita sa isang gasolinahan ay naging oportunidad upang ibahagi si Jesus sa isang himalaang pamamaraan. Handa si Brian para sa oportunidad na iyon dahil gumawa siya ng isang simpleng pagdedesisyon sa buhay…
Isang araw, nandun ako sa isang gasolinahan. Napansin ko ang isang lalaki na tila paika-ika, parang siya ay nasasaktan. Kaya lumapit ako sa kanya at sinabi, "Uy, pare, pwede ba kitang ipanalangin?" sumagot siya, "Oo, sige, pwede mo akong ipanalangin."
Lumabas na siya ay isang Muslim at hindi siya naabala sa pagdadasal ko para sa kanya. Ipinanalangin ko na mawala lahat ng kanyang sakit. Sa una, walang nangyari pero matapos ang ilang sandali, bumalik siya sa akin at sinabi na nawala na ang kanyang sakit! Sinabi ko, "Iyan ay dahil mahal ka ni Jesus at nagmamalasakit siya sa iyo."
Napakabilis ng sandaling iyon. Hindi siya nagtiwala kay Jesus sa sandaling iyon pero nagtanim ito ng binhi. At baka sa hinaharap, maging bukas siya upang marinig ang Ebanghelyo.
Isang madaling paraan na aking natuklasan para simulan ang pag-uusap tungkol kay Jesus ay ang magtanong, "Hey, masakit ba iyon?" dahil may mga tao sa paligid na nasasaktan. Hindi ko laging alam ang tamang mga salita, pero sinusubukan ko lang na itaguyod ang kanilang koneksyon kay Jesus.
May isang desisyon na aking ginawa na naging napakalaking tulong sa pagbabahagi ng Ebanghelyo, tuwing lumalabas ako sa mundo ay sinisigurado kong bukas ang aking mga mata. Madalas, masyado tayong nakatutok sa ating mga sarili na hindi na natin napapansin ang mga oportunidad na nasa harap lang natin. Minsan may mga nangyayari sa paligid mo na nais ipakita ng Panginoon. Maaaring nais Niyang makialam ka sa buhay ng ibang tao. Doon mismo sa sandaling iyon. Kailangan nating matutunan ang pag-alis ng ating mga piring at tanungin ang Diyos, "Ano ang ginagawa Mo sa lugar na ito sa aking paligid?"
Pagkatapos ng ilang sandali gawin ito, makikita mo na ang mga pangangailangan ng mga nasa paligid mo. Kahit saan ka magpunta, may tao na nangangailangan ng salita ng pagpapalakas ng loob, kabaitan, gawa ng kawanggawa o pagpapagaling sa pamamagitan ng ebanghelyo.
Kaya ito ay magagawa ng kahit sino.
Magugulat ka sa mga bagay na darating sa iyong landas habang nagsisimula kang kumilos sa iyong daigdig na bukas ang iyong mga mata.
0 Comments
Sign in or create an account to join the conversation