Bakit Palaging Nagmamalasakit ang Diyos sa Aking Mga Panalangin?

Mayroong 7.6 bilyong tao na nakatira sa mundo ngayon. Yan ay bilyon-bilyong problema na kinakaharap ng mga tao sa anumang sandali.

Kung kahit bahagi ng sangkatauhan ay makipagusap sa Diyos tungkol sa kanilang mga problema – yan ay daan-daang milyong panalangin bawat oras. Kaya ito'y nagtatanong - kung ang Diyos ay umiiral, bakit Siya interesado sa akin?

Ang ideya na ang Diyos ay malayo at walang pakialam ay karaniwan. Maraming tao ang naniniwala na nilikha ng Diyos ang uniberso at pagkatapos ay lubusang nakalimutan tayo. Naiintindihan ito kung iisipin kung gaano karaming kasamaan, sakit, at kamatayan ang nasa mundo.

Ngunit inilarawan ng Bibliya ang Diyos bilang naroroon at maaring lapitan sa gitna ng kalituhan ng buhay. Ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak, si Jesus, sa mundo upang maranasan ang parehong sakit, kasamaan, at kamatayan – kaya naiintindihan niya ang iyong sakit. Interesado ang Diyos sayo at gustong makinig mula sa iyo.

Ang panalangin ay bahagi na natin mula nang unang lumitaw ang sangkatauhan. Ang karamihan ng mga tribo at mga tao sa buong kasaysayan ay kinikilala ang pag-iral ng isang lumikha at nagnanais na makipag-usap dito.

Ang kakayahan at pagnanais para sa komunikasyon sa ating Lumikha ay nasa ating mga buto.

Hindi mo kailangan ng mga estatwa, insenso o musika para makipag-usap sa Diyos; ang panalangin ay kaugnayan, tulad ng pakikipag-usap sa isang malapit na kaibigan o kamag-anak. Nang turuan ni Jesus ang kanyang mga tagasunod na manalangin, sinabi niya na simpleng pumasok sa iyong silid, isara ang pinto, at manalangin sa iyong Ama sa langit Mateo 6:6.

Maraming sinasabi ang Bibliya tungkol sa panalangin. Sinasabi nito na kung magpapalapit ka sa Diyos Siya'y magpapalapit din sa iyo Santiago 4:8. Sinabi rin nito na kahit ano pa ang ginawa mo, maaari kang manalangin sa Diyos; kilala ka Niya, may habag Siya sayo, at naiintindihan Niya ang iyong kahinaan Hebreo 4:15-16.

Marami ring benepisyo ang regular na pagdarasal.
Dala ng panalangin ang linaw.

Nakakatulong itong makapag-focus ang iyong isip sa mga bagay na mahalaga sayo. Dahil kadalasan ay nakatuon sa pinakamahalaga sa inyong buhay, tinutulungan ka ng pagdarasal na iproseso ang mga kaisipan.

Dala rin ng panalangin ang kalayaan.

Kapag inamin at inihayag mo sa Diyos ang iyong mga pagkakamali (ang tawag ng Bibliya dito ay mga kasalanan), ito'y nakakatulong sayo na matuto mula sa mga ito. Sinasabi ng Bibliya na pinapatawad ng Diyos ang ating mga kasalanan at nagdudulot ng kalayaan, at ang kailangan natin sa huli ay hindi lamang matuto mula sa mga kasalanan kundi maligtas mula rito. Yan ang dahilan kung bakit dumating si Jesus.

Kung ikaw ay naguguluhan tungkol sa pakikipag-usap sa Diyos – subukan mo. Ano ang mawawala sayo? Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng pagbabahagi ng nasa isipan mo sa pinakamatapat na paraan na alam mo. Maaari mo ring gamitin ang isang panalangin na itinuro ni Jesus sa kanyang mga tagasunod:

“Ama namin na nasa langit, banal ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian, at mangyari ang iyong kalooban, sa lupa tulad ng sa langit. Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw, at patawarin mo ang aming mga kasalanan, gaya ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. Huwag mo kaming iwan sa tukso, kundi iligtas kami sa kasamaan. Amen”

Sisimulan mo na ang iyong paglalakbay sa panalangin ngayon. Maglaan ng oras at makipag-usap kay Jesus na parang siya ay malapit na kaibigan.

0 Comments

Active Here: 0
Logged in as Name
Edit ProfileLogout

Sign in or create an account to join the conversation

Be the first to leave a comment.
Someone is typing...
No Name
Set
Moderator
4 years ago
This is the actual comment. It's can be long or short. And must contain only text information.
(Edited)
No Name
Set
Moderator
2 years ago
This is the actual comment. It's can be long or short. And must contain only text information.
(Edited)

New Reply

Thank you! Your submission has been received!
Oops! Something went wrong while submitting the form.
Load More Comments
Loading

We value your privacy

By clicking “Accept”, you agree to the storing of cookies on your device to enhance site navigation, analyse site usage, and assist in our marketing efforts. View our Privacy Policy for more information.