Pagtatanggal ng Hadlang sa Pagbabahagi ng Hesus

Nabubuhay ka sa isang mundo ng mga bakod. Napakadaling manirahan sa iyong nakahiwalay na bahay, mag-stream ng on-demand TV, at ikulong ang mundo sa labas.

Ang mga bakod na ito ay hindi lamang pisikal; emosyonal din ang mga ito. Gustong ilayo ng mga tao ang iba dahil sa pakiramdam nila ay mas ligtas sila. Ito ay maaaring maging isang hamon sa pagbabahagi ng tungkol kay Hesus sa iyong mga kapit-bahay. So paano natin ito mababago?

Nagkwento si Hesus tungkol sa isang mabuting kapitbahay. Isang lalaking Hudyo ang hinoldap at binugbog at iniwan sa kalsada. Matapos dumaan ang isang pari at manggagawa ng templo, isang lalaking Samaritano ang huminto para tulungan siya. Ang mga Samaritano at mga Hudyo ay may masamang kasaysayan at halos kinamumuhian ang isa't isa. Ngunit nang makita ng Samaritano ang lalaking hinoldap, siya ay naawa sa kanya sa kabila ng kanilang pagkakaiba at tinulungan siya. Sinabi ni Hesus na ang lalaking Samaritano ay isang mabuting kapitbahay at sinasabi sa ating lahat na gawin din ang gayon Lucas 10:29-37.

May pagkakataon kang maging mabuting kapitbahay. Tinulungan ng lalaking Samaritano ang lalaking Hudyo sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba. Hindi kailangang maging hadlang ang mga pagkakaiba. Abutin sila at magkaroon ng awa sa kanila. Maghanap ng pagkakatulad at pagsilbihan sila.

Simulan sa pagbibigay pansin sa kung ano ang nangyayari sa iyong kalsada. Kung bibigyan mo ng oras, magugulat kang makita kung ano ang nangyayari sa buhay ng mga tao sa paligid mo. Subukan nating maglaan ng oras para maglakad sa iyong mga kalye at magmasid. Manalangin habang ginagawa ito. May mga pamilyang masyadong abala at nahihirapan panatilihin ang kanilang bakuran. May ilang tao na malungkot. May ilang tao na nahihirapan sa kalusugan. Huwag maging usisero, kundi maging mapagmamasid.

Kung may makikita kang tao na nangangailangan ng tulong, lapitan sila ng may kababaang-loob at sinseridad at mag-alok na magsilbi sa kanila. Maaari kang mag-alok na putulin ang kanilang damo o tulungan sila sa kanilang hardin. I-alok na ipasyal ang kanilang aso isang beses kada linggo. Mag-alok na magsilbi sa kanila sa isang konkretong paraan na ipaparamdam sa kanila na ikaw ay nagmamalasakit sa kanila. Maski na hindi nila tanggapin, maaaring makaramdam pa rin sila ng pag-asa na ikaw ay nag-alok.

May ilang tao na nagmamahal lang sa iyong kasama. Ang kalungkutan ay isang malaking problema sa ating kultura ngayon. Ang gugulin ang isang oras sa bawat linggo para makipag-usap sa isang kapitbahay ay maaaring magbigay kahulugan sa kanila. Makinig at magmalasakit sa kanila, at kung may pagkakataon na maibahagi si Hesus, gawin ito.

Nilagay ka ng Diyos kung saan ka nakatira para sa isang dahilan. Pakinggan ang mga salita ni Hesus at maging ang mabuting kapitbahay na nais Niyang maging ikaw. Magsimula, ipakita ang malasakit, at mahalin sila tulad ng pagmamahal ni Hesus.

Maglaan ng oras ngayon upang pagmasdan ang iyong mga kalye. Pumili ng isang taong nangangailangan at abutin sila.

0 Comments

Active Here: 0
Logged in as Name
Edit ProfileLogout

Sign in or create an account to join the conversation

Be the first to leave a comment.
Someone is typing...
No Name
Set
Moderator
4 years ago
This is the actual comment. It's can be long or short. And must contain only text information.
(Edited)
No Name
Set
Moderator
2 years ago
This is the actual comment. It's can be long or short. And must contain only text information.
(Edited)

New Reply

Thank you! Your submission has been received!
Oops! Something went wrong while submitting the form.
Load More Comments
Loading

We value your privacy

By clicking “Accept”, you agree to the storing of cookies on your device to enhance site navigation, analyse site usage, and assist in our marketing efforts. View our Privacy Policy for more information.