Kalusugan ng isip mula sa Pananaw ng Diyos
Ang mga Kristiyano ay hindi eksento sa mga pakikibaka sa kalusugan ng isip. Ito ay isang katotohanan. Maari nating makilala na mayroon tayong pag-asa, pagmamahal at katiyakan na lampas sa anumang nag-aalalang kaisipan. Ngunit hindi natin matatakasan ang katotohanan na tayo ay mortal, hindi perpekto, at ang mga presyon ng mundong ito ay maaring lamunin tayo.
Kahit mga maka-Diyos na tao sa Bibliya ay nahirapang harapin ang kanilang kalusugan ng isip. Isaalang-alang ang mga sumusunod na pahayag:
“Gaano pa katagal ako magkakaroon ng kalungkutan sa aking puso?”
Salmo 13:2
“Ang aking mga luha ay naging pagkain ko sa araw at gabi.”
Salmo 42:3
“Ako ay isang tao na walang lakas”
Salmo 88:4
Nabibigla ka ba na ito ang mismong mga iniisip at sulat ng mga tapat na tagasunod ng Diyos?
Ang realidad ay ang pagkakilala at pagsunod kay Jesus ay hindi ka pinoprotektahan mula sa mga pakikibaka sa kalusugan ng isip. Si David, sa Lumang Tipan, ay malinaw na nakipagbuno sa mapanglaw at nag-aalalang mga kaisipan – ang kanyang mga salmo ay puno ng mga ito. Siya ay naihayag sa publiko sa murang edad, ang kanyang hari/amain ay nagtangkang patayin siya – ito ay marahil lalabas sa konsulta – at ang kanyang mga personal na pagkatalo ay naging napaka publiko.
Sa kabila ng lahat ng ito, si David ay kinalugdan ng Diyos at pinili pa rin na gawin ang Kanyang gawain. Siya'y tinawag mismo ng Diyos na ‘isang tao ayon sa aking sariling puso’ 1 Samuel 13:14. Ang mga pakikibaka ni David sa kanyang kalusugan ng isip ay hindi nagdiskwalipika sa kanya, at gayundin sa iyo.
Hindi ka tinitingnan ng Diyos na 'mas mababa' dahil sa iyong mga pakikibaka.
Hindi ka sa anumang paraan na diskwalipikado na magbahagi ukol kay Jesus dahil sa iyong kalusugan ng isip. Ang landas patungo sa pagsulong ay maaaring makita ang iyong sarili mula sa pananaw ng Diyos – at ito ay maaaring maging iyong pinakamalaking hamon.
Ikaw ay minamahal
- Walang anumang bagay na gagawin o mararanasan mo ang makapaghihiwalay sayo mula sa pag-ibig ng Diyos.
Pinatawad ka
- Ang Kanyang grasya ay sumasaklaw sa lahat ng iyong mga takot at pagkatalo.
Inaalagaan ka
- Siya ay nagmamalasakit sa mga detalye ng iyong buhay.
Hindi ka nag-iisa
- Siya ay kasama mo, at hinding-hindi ka iiwan.
Paano natin makukuha ang pananaw ng Diyos?
1. Basahin ang iyong Bibliya. Ang mga banal na kasulatan ay bumubuwag sa mga kasinungalingan at tinututok ang iyong mata kay Hesus.
2. Sumamba. Ang paglalagay kay Hesus bilang Hari ng iyong puso ay naglalagay sa iyong mga pagkabahala sa kanilang tamang pananaw.
3. Manalangin. Ibahagi ang iyong pakikibaka sa Banal na Espiritu at hilingin sa Kanya na ipahayag sa iyo kung sino si Hesus.
4. Ibahagi. Kapag dumating ang pagkakataon, ibahagi ang tungkol sa panloob na pagbabago na ginagawa ni Hesus.
Labanan ang iyong mga pakikibaka sa kalusugan ng isip sa pamamagitan ng paglalakad na malapit kay Hesus at pagtitigan ang iyong buhay mula sa Kanyang pananaw.
0 Comments
Sign in or create an account to join the conversation